Public Advisories from the Philippine Consulate General – Dubai

13418905_1723651877909211_6495187048221405074_n

 

Public Advisories from the Philippine Consulate General – Dubai

PEKENG PASSPORT APPOINTMENT

Ang lahat po ay pinapayuhan na mag-ingat sa naglalako ng pekeng passport renewal/application appointment na walang nakalagay na pangalan ng aplikante at may maling mobile number/email address.

Hindi po kinikilala ng Konsulado ang mga pekeng appointment na ito.

Mag-book lang po ng appointment sa link sa ibaba:

http://dubaipcg.checkappointments.com/

Maraming salamat po.

 

 

FAKE PCG FACEBOOK PAGES

The general public is warned not to subscribe to fake Facebook pages carrying the unauthorized logo of the PCG which are creted by possibly nefarious individuals who may simply be gathering personal contact details of its subscribers/patrons for various illicit purposes.

The Consulate is well aware of these fake Facebook pages and has previously requested that these pages be taken down by Facebook immediately.

The official page of the Consulate is https://www.facebook.com/dubaipcg/ which is also accessible through the Consulate’s official website: WWW.DUBAIPCG.DFA.GOV.PH

 

 

NBI CLEARANCE APPLICATION

Ang Konsulado ay nagpapa-alala sa lahat na ang paglalagay ng fingerprints ng aplikante sa NBI application ay maaari lamang gawin ng lokal na pulis o kinatawan ng Konsulado.

Ang mga kinatawan ng Filipino Community, pribadong opisina at iba pang indibidual ay HINDI maaaring gumanap ng tungkuling it.

 

 

PAALALA SA PUBLIKO: KAFALA NG PASAPORTE

Ang Konsulado ay nagpapa-alala sa lahat tungkol sa pag-gamit ng kanilang pasaporte bilang kafala para sa panandaliang paglaya ng kapwa Pilipino na nasasangkot sa usaping legal sa UAE, may kapalit man itong pera o wala.

Ang pasaporte ay pag-aari ng Pamahalaan ng Pilipinas, at bagamat ang pag-gamit dito bilang kafala ay legal sa UAE, maraming kaso ang natatanggap ng Konsulado kung saan ang pasaporteng naka-kafala ay hindi na muling makuha sa mga autoridad dahil sa hindi na paglitaw muli ng taong lumaya gamit ito.

Isa sa mga problemang dulot nito ay ang pagka-antala o delay sa renewal ng pasaporte o paglalapat ng bagong employment visa sa pasaporte ng may-ari nito.

Ang Konsulado ay nagpapa-alala sa lahat na isiping mabuti bago gamitin ang kanilang pasaporte bilang kafala.

 

 

PAALALA MULA SA PHILIPPINE EMBASSY SA TURKEY

Ang lahat po ay pinapayuhan na maging mapanuri sa mga nanghihikayat na lumipat at magtrabaho sa bansang Turkey dahil sa pangakong mas mataas na sahod.

Kami po nakatanggap ng impormasyon tungkol sa mga manggagawang Filipino na nahikayat na lumipat sa Turkey MULA DUBAI na ngayon po ay nakakaranas ng problema sa Turkey sapagkat imbes na mas maganda at permanenteng trabaho, sila po ay inililipat-lipat sa ibat’t-ibang mga employers.

Tayo pong lahat ay maging mapanuri at maingat sa ganitong uri ng recruitment.

untitled

 

Facebook Comments

Author: Illustrado

From the Middle East to the rest of the world, IllustradoLife shares the stories of Filipinos expats from around the world, providing a global venue championing the world class Filipino. IllustradoLife features articles on fashion and beauty, travel, lifestyle, business, events and other topics of interest to the international Filipino community from its mother publication, Illustrado Magazine.

Share This Post On
468 ad

1 Comment

  1. Ask ko lang po anung requirements ang kailangan kapag kukuha ng dswd sa consulate. Kunin ko kasi ang anak kong 13 years old ppunta dto dubai. At mgtratravel sya alone.

    Post a Reply

Submit a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Taas Noo, Filipino!  Subscribe for even more Pinoy good stuff!

Join our mailing list to receive updates on Pinoy life from around the world.

Thank you for signing up!

Loading...